funkylady

Sad pa rin

Today is day two without Dô. I still feel sad and lonely pero hindi naman na ako mega-iyak unlike the night before their flight. Feeling ko kaya kong talunin si Ate Vi na best actress with matching sobs to the max. Ganyan ako ka-OA. Kaya ang ginawa ko buong weekend, nagpakalunod sa novels ni Agatha Christie at A.C. Doyle, nanood ng reruns ng Amazing Race 4, at nagpaka-socially relevant sa poverty edition ng Imbestigador. Ang hny ko naman, talagang nagrereport kung nasaan na sila. "Bun, HK na!! Bun, LA na!!Bun, Jamaica na!!" Pero ang ending hindi daw sya masyadong masaya, kasi wala daw ako. Naks, ang drama! Pero talagang hindi na ako umiyak.

Kanina habang nakasakay ng bus papuntang MRT Taft, iniisip ko na wala nga palang susundo sakin sa Cubao MRT station, nasanay kasi akong paghinto ng train, andun lang sya sa ibaba, naghihintay sa akin. Yan, naiiyak na tuloy ako.

Nineteen days to go. This is going to be one looong wait for me. Dapat magsimula na akong mag-cross stitch.

0 comments:

Newer Post Older Post Home