funkylady

Another ho-hum day

Meron kaming training on proposal writing today, dito lang naman sa college at kami-kaming staff lang. Nakakaantok lalo pa at may sipon ako. Kahit na libre yung lunch hindi ako masyadong natuwa kasi bland yung manok saka gravy ng Kenny's, tapos ang kasama pa steamed vegetables, ang tabang lalo. Pero baka naman sabihin sobrang reklamador ko ang dami ngang hindi kumakain.
***
Miss ko nang magbadminton. Medyo nagkakatamaran nga lang ngayon ang mga tao kaya wala pang nag-aaya. Tinatamad pa rin naman ako kaya ok lang.
Hay san kaya makakabili ng gamot sa katamaran?

1 comments:

wala nun sa pinakamalapit na mercury drug or watson eh. pero kapag may nahanap kang gamot sa katamaran, share mo na rin sa akin. kailangan ko rin nun eh.

5:19 PM  

Newer Post Older Post Home