funkylady
αγαπιέμαι
Isang mabilis na post para sa Eraserheads.
High school ako nun nung una kong narinig ang Pare Ko. Sobrang relate siguro ang Pinoy youth noon, lalo pa nung ni-release yung Alapaap. Angsty, rebellious, out of the box music para sa mga high school students na nalilito sa identity pati na rin sa music preferences nila dahil sa Western influences. Naging parang national anthem ang mga kanta nila, sinakyan pa ng mga politiko, masamang impluwensya daw dahil sa mga double entendre, nanghihikayat na tumikim ng alam nyo na. Siguro kung merong isang salita para mai-describe yung kasikatan nila nun, eto yung naisip ko: phenomenal.
Ngayon, pagkatapos ng maraming quadruple platinum na albums, pagkatapos ng mala-Beatles na kasikatan, wala na sila. Maraming dahilan, malabo lahat, sabi nila irreconcilable differences daw. Maraming magagalit dun sa huling statement, dapat siguro linawin ko. Wala na ang banda, pero yung musika andyan pa rin. Ang dami nang dumating na bagong mga mukha, maraming nagtangka at sumusubok na marating man lang kahit kalahati nung kasikatan nila. May mga sumikat, mas maraming nalaos, lahat sila aminado na malaki ang impluwensya ng Eraserheads sa musika nila.
From the Stickerhappy album
OA siguro, pero yung banda ang isa sa mga dahilan kung bakit inambisyon ko na makapasok sa UP. Lalo na si Ely. Hehe Typical high school student. Pero nung freshman ako, wala na sila sa UP, ni hindi na nga tinapos ng mga mokong ang pag-aaral e. Ngayon, pag nakikita ko si Ely o naririnig yung mga kanta nila, hindi ko maiwasan na mag-reminisce ng high school, parang synonymous na kasi yun, parang parte na ng buhay mo na hindi mo makakalimutan kahit tumanda ka.
Eraserheads Anthology album cover
Isa lang siguro ibig sabihin kung bakit biglang ganito yung tono ng post ko: I'm gettin old. Sheesh.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
weird, last sunday, i was watching myx and i saw the mtv of with a smile. napa=nostalgia din ang lola mo, kasi favorite ko talaga sila, as in. at freshman na ako sa UP noong sumisikat ang Ligaya, hehe. tuwang-tuwa nga ako nung marinig ko na sa radyo yun eh.
yan ang matanda... ang naabutan ang Eheads sa UP. hehe
noringai
Anonymous said...
5:00 PM
gusto nyo malaman kung sino ang matanda???? ako co;;ege sa perpetual ng mag high school so ely doon... tapos noong ni release ang ultraelectro namukaan ko si ely sa cover ng album, since then na hook na ako sa eheads magic.....
letmehay
Anonymous said...
6:46 AM
so high school palang ang eraserheads at gumagawa na sila nang mga albums? grabe.. bilib..hanep naman sila.
Anonymous said...
11:46 PM
errr...kailangan po ata ng paglilinaw...
yung sabi ata ni letmehay, namukhaan lang niya si ely nung na-release na ang album ng heads na sya ring naghighschool sa perpetual habang college sya....
alam ko din kc college n gumawa ng album si ely e...ehehe...
- dow
Anonymous said...
2:59 PM